MANILA, Philippines - Pormal na kinasuhan ng isang opisyal ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) si PLM president Artemio Tuquero sa Office of the Ombudsman.
Kasong ‘oppression, grave misconduct/ negligence in the performance of duty, dishonesty, grave abuse of authority and discretion’ ang isinampa ni Ma. Rolena Calinisan, chief ng Human Resources Development Office ng PLM.
Batay sa complaint ni Calinisan, nag-apply siya sa posisyon ng vice president for administration kung saan inindorso din siya ni Manila Mayor Joseph Estrada.
Bukod pa rin dito ang sertipikasyon mula sa PLM Personnel Selection Board kung saan pinatunayang kumpleto ang kanyang requirement at karapat dapat na posisyon ng VP for administration.
Sinang ayunan din ito ng PLM Board of Regents.
Laking gulat na lamang ni Calinisan na matapos ang 10 buwang paghihintay ay may inilagay na nominee si Tuquero.
Dahil dito, hinihiling ni Calinisan sa Ombudsman na suspindihin si Tuquero dahil na rin sa pang-aabuso ng kanyang tungkulin.
Lumilitaw umano sa Civil Service Commission na invalid ang appointment ni Tuquero dahil sa kawalan umano nito ng doctorate degreeÂ.