Welder pinabulagta

MANILA, Philippines - Napatay ang 43-anyos na welder matapos pagbabarilin ng di-kilalang lalaki habang naglalakad  papasok sa kanyang trabaho sa Tres M. Naval Street sa Navotas City kahapon ng umaga. Napuruhan sa katawan ang biktimang si Rizaldo Delos Santos ng Naval Street, Barangay San Jose sa nasabing lungsod. Base sa ulat ng pulisya, naglalakad papasok sa trabaho ang bik tima nang harangin at ratratin bandang alas-5:30 ng umaga. Nananatili namang blangko ang pulisya sa motibo  habang wala namang nais lumutang para maging testigo sa takot na madamay sa krimen.

Show comments