Lady trader utas sa tandem

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 53-anyos na negosyanteng babae matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa labas ng kanyang bahay sa Barangay Tatalon, Quezon kahapon. Kinilala ang biktima na si Carmencita Soliman, tubong Pampanga at nakatira sa Villa España Subd. sa nasabing barangay. Sa salaysay ng taxi driver na si Emelito San Diego kay PO2 Louie Serbito, sumakay sa kanya ang kapatid ng biktima na si Catalina Soliman at ang kaibigang si Pedro Masindo Jr. sa panulukan ng Aurora Blvd at Araneta Avenue para sunduin ang biktima sa kanilang bahay. Gayon pa man, pagsapit sa nasabing lugar, lumabas ang biktima at habang pasakay na ito sa taksi, ay biglang sumulpot ang dalawang maskaradong lalaki saka niratrat ang negosyante. Nagawa pang maitakbo ng kaanak ang biktima sa Delos Santos Medical Center subalit idineklarana patay dahil sa tama ng bala sa mukha at sa kanang likuran ng katawan.(Ricky Tulipat with trainee Ella Mae Nuyles)

Show comments