MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagtatapon ng dumi ng tao sa kanal na nagdulot ng perwisyo sa mga residente sa Barangay Libis, Quezon City kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni PO2 Solomon Sevilla ng Quezon City Police Station 8, kinilala ang mga suspek na sina RoÂgelio Collantes, 49; Jose Flordaliza, 36; at si Edgardo Flordaliza, 44, mga kawani ng Madamex Pluming Services at pawang nakatira sa Tandang Sora.
Ayon sa opisyal ng Barangay Libis na si Geng Roca, matagal na nilang miÂnaÂmanmanan ang trak ng mga suspek makaraang maÂkaranas ng pagkahilo at paÂnanakit ng tiyan dulot ng nalanghap na mabahong amoy sa estero sanhi ng itinapong dumi ng tao simula noong May 13 hanggang 14.
Sinasabing sa kanal ng Barangay Saint Ignacius itiÂnapon ang dumi ng tao kung saan dumaloy sa Barangay Libis kaya isinagawa ang operasyon kung saan namataan naman ng mga nakaposteng barangay tanod sa Barangay Saint Ignacius ang truck ng mga suspek at muling nagtapon ng dumi ng tao.
Dito na nagkahabulan hanggang sa nakorner ang mga suspek pagsapit sa panulukan ng Boni Serrano saka dinala sa himpilan ng pulisya.