2 babaeng karnaper, arestado

MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang babae na sinasabing karnaper matapos ilatag ng pulisya ang entrapment operation sa bahagi ng  PNR Station sa panulukan ng Pedro Gil Avenue at Quirino Avenue sa Paco, Maynila noong Martes ng madaling-araw.

Pormal na kinasuhan ni P/Senior Inspector Rommel Geneblazo, hepe ng MPD Anti-Carnapping Unit ang mga suspek na sina Dizzelle Lacdao, 25; at Anerva de Guzman, 51, kapwa  nakatira sa nasabing lugar.

Ang pagkakadakip sa dalawa ay bunsod ng reklamo ni Irvin Saunar, 38, ng Western Bicutan, Taguig kaugnay sa  ninakaw na pulang Honda XRM (1393 NE).

Sa salaysay ng biktima sa pulisya, may nag-text sa kanya at humihingi ng P7,000 para maibalik ang pag-aaring motorsiklo.

Dahil dito, agad na nakipag-ugnayan sa pulisya ang biktima kaya inilatag ang entrapment na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawa.

 

Show comments