3 dakma sa pagawaan ng baril

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng tatlo-katao matapos salakayin ng mga operatiba ng pulisya ang iligal na pagawaan ng baril sa Malabon City, kahapon ng ma­daling araw.

Sumasailalim na sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Arnel Marcelino, 30, ng #127 Burgos Street, Brgy. Concepcion; Gil “Boy” Villanueva ng #49 Bisig ng Kabataan, Sangandaan, Caloocan City; at si Arnulfo Arienda, Jr. ng Brgy. Graceville, San Jose del Monte City, Bulacan.

Base sa ulat ng Caloocan City PNP,  una na nilang isina­ilalim sa surveillance operation ang iligal na pagawaan ng baril sa Ugnatan Street.

Gayon pa man, sinalakay ng mga tauhan ng Police Com­munity Precinct (PCP-7) kasama ang mga barangay tanod ang nasabing lugar kung saan naaktuhan ang mga suspek na abala sa pagbuo ng cal .45 pistol at cal .38 revolver.

Ilan sa mga baril na nasamsam ay may silencer na pinaniniwalaang ibinebenta sa  mga sindikatong gun-for hire. 

Narekober din sa mga suspek ang pakete na naglalaman ng shabu.

 

Show comments