Express train ng MRT, pinalawig

MANILA, Philippines - Pinalawig pa ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang kanilang experimental Express Train service hanggang sa Biyernes.

Batay sa advisory ng MRT-3 sa Twitter account nito, ie-extend ang south-bound Express Train mula alas-6:30 hanggang alas-8:30 ng umaga­ simula kahapon hanggang bukas, Mayo 23.

Sa unang anunsyo ng Department of Transportation and Communications (DOTC), ang orihinal na petsa nang pagtatapos ng experimental express train ser­vice ay hanggang Mayo 20 (Martes) lamang.

Ang MRT express trains ay naglalayong mapa­bilis ang biyahe sa pamamagitan nang paglaktaw ng mga hihintuang istasyon at mabawasan ang congestion ng mga pasahero sa mga terminal.

Ang MRT-3 ay nag-uugnay sa North Avenue, Quezon City at Taft Avenue, Pasay City sa pama­magitan nang pagdaan sa Epifanio delos Santos Avenue.

Show comments