MANILA, Philippines — Grave coercion ang isinampang kaso ni Florencia Cornejo, lola ng modelong si Deniece Cornejo, laban sa abogado ni Vhong Navarro na si Alma Mallonga.
Isinampa ni Florencia ang kaso sa Taguig Regional Trial Court kahapon kung saan ganito rin ang kinakaharap na kaso ng kanyang apo bukod pa sa serious illegal detention.
Nag-ugat umano ang kaso matapos magalit si Mallonga nang makita ang suot na t-shirt ni Florencia na may nakalagay na “Justice for Deniece, Jail the rapist.â€
Samantala, pinabulaanan naman ito ng abogado at sinabing pinayuhan lamang niya ang matanda sa pagsusuot ng damit dahil na rin sa mungkahi ni Taguig RTC Branch 271 Judge Paz Esperanza Cortes.
"Walang tulakan, walang yugyugan na nangyari," banggit ni Mallonga.