MANILA, Philippines — Malakas ang kasong isinampa ng kampo ni Vhong Navarro laban sa grupo ng negosyanteng si Cedric Lee kaya naman hindi na nila kailangan pa ng state witness, ayon sa abogado ng TV host.
Sinabi ni Alma Mallonga na hindi niya alam kung may hawak na state witness ang Department of Justice upang tumulong sa kaso ni Navarro pero iginiit na hindi nila ito kailangan.
Nauna nang sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na isa sa mga suspek sa kasong serious illegal detention ang nais bumaligtad at maging testigo.
Kaugnay na balita: Cedric Lee delikado sa Taguig Jail
"Frankly, wala kaming kinalaman do'n. I never bothered to find out. We never bothered to find out. We never asked Secretary De Lima and frankly, also, I do not think we really need a state witness," wika ni Mallonga sa kanyang panayam sa telebisyon kagabi.
Aniya kumpleto na ang kanilang listahan ng testigo na handang magsabi ng kanilang mga nalalaman sa naganap na “Oplan Bugbog†kay Navarro noong Enero 22 sa Forbeswood Heights Condominium sa Bonifacio Global City sa Taguig City.
Hindi rin bukas ang kampo ni Navarro sa pagiging testigo ng modelong si Deniece Cornejo na siyang nag-akusa sa TV host ng panggagahasa ngunit kalaunan ay ibinasura ng DOJ.
Kaugnay na balita: Deniece tulala sa selda
"It's not up to us, it's up to the court. There are requirements in order for you to be a state witness, and you must not appear to be the most guilty. What do you think?" banggit ni Mallonga.
Sinabi pa ng abogado na wala siyang alam kung bakit umatras ang isa pang suspek na si Jed Fernandez sa pagbibigay ng testimonya laban sa kanyang kasamahang si Lee.
"Wala kaming communication with Secretary De Lima on this matter. So kung meron 'yun ay yung narinig ko lamang. I can only speculate and I don't know why he backed out."
Masaya si Mallonga sa naging salaysay ni Navarro sa witness box ng Taguig City Regional Trial Court Branch 271 nang gawin ang pagdinig.
"I presented him, he answered all the questions. It's very easy to testify when you know your story very well, when you're just telling your truth," sabi ng abogado.
Sumalang ng apat na oras at kalahati si Navarro at inabot naman ng dalawang oras ang cross examination.
"He was able to answer all the question when crossed ... And I'd like to think he was able to further fortify his story.â€