MANILA, Philippines - Kalaboso ang 42-anyos na turistang Hapones matapos na hindi nito maÂbayaran ang malaking haÂlaga na kanÂyang kinain at ininom na alak sa isang club sa F.B. Harrizon Street sa PaÂsay City kamakalawa ng gabi.
Kaagad na ipinaabot naman ng Pasay City PNP sa Japanese Embassy ang pagÂkakadakip kay Masashi Narita, pansamantalang naÂnunuluyan sa Room 408 Crosswind Hotel, Airport Road, Pasay City matapos hindi nakapagbayad ng P10, 686. 50 sa Universe Girl’s Club na sinasabing pugad ng prostitusyon sa nasabing lungsod.
Lumalabas sa reklamo ni Herminigilda Cabrera ng #1124 Laguna Ext. Tondo, Manila at assistant manager ng naturang club, pumasok sa nasabing club ang suspek bandang alas-11 ng gabi kung saan inokupahan ang table # B-4 bago umorder ng mga pagkain at inuÂming alak.
Makaraan ang apat na oras na pananatili sa club, ipinasiya na ng waitress na ibigay ang bill para sa kabuuang halaga na baÂbayaran ng suspek subalit hindi na ito nabayaran sa hindi nabatid na dahilan.
Dahil dito, humingi na ng tulong sa pulisya si Cabrera kaya inaresto ang suspek sa kasong estafa.