Inuman niratrat: 1 dedo, 1 sugatan

MANILA, Philippines - Napatay ang 37-anyos na pintor habang sugatan naman ang kaibigan nito matapos ratratin ng di-kilalang lalaki­ ang grupo ng nag-iinuman ng alak sa Samonte Road, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay PO2 Erickson Serbito, kinilala ang napatay na si Michael Bersamin ng Barangay Holy Spirit habang suga­tang naisugod sa East Avenue Medical Center si Renato Calanao, 51, pedicab driver sa nasabing barangay.

Base sa police report, nag-iinuman ang dalawang biktima kasama ang ilang kaibigan sa bahagi ng Don Sergio Extension nang lumapit at ratratin ng gunman.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) sa crime scene ang tatlong basyo ng cal. 45 pistol.

 

Show comments