^

Metro

Killer ng lover ni misis, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagwakas ang walong taong pagtatago sa batas ng 52-anyos na dating overseas Filipino worker (OFW) na sinasabing pumatay sa kalaguyo ng kanyang misis matapos itong masakote ng mga operatiba ng pulisya ka­makalawa ng hapon sa bahay ng kanyang pamangkin sa Leyte Street, Balic-Balic, Sampaloc, Maynila.

Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni Judge Danilo Ma­nalastas ng Malolos Regional Trial Court Branch 7, Bulacan, nasakote ng mga tauhan ng Manila Police District at Bulacan PNP ang suspek na si Alejandro B. Panopio ng Area-C, Barangay San Martin 1, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Base sa record ng korte, si Panopio na OFW sa Africa ay napilitang umuwi matapos mabalitaang nakikipag­relasyon ang kanyang misis sa ibang lalaki na may mga anak din.

Nag-ipon pa ng mga ebi­densiya ang suspek kung saan sinubukang ilapit sa kontrobersyal na magkaka­patid ang kanyang problema kaugnay sa panga­nga­liwa ng misis subalit hindi naaksyunan dahil sa matin­ding problemang kinakaharap ng magkakapatid na lalaki noong 2006.

Gayon pa man, sinubaybayan ng suspek ang  kanyang misis hanggang sa ma­­aktuhang magkaakbay ang magkalaguyo kaya nagawang  saksakin niya ito at mapatay.

Hindi na nakapalag ang suspek matapos makorner ng pangkat nina P/Insp. Michael Ray Bernardo at P/Insp. Edward Samonte.

 

ALEJANDRO B

BARANGAY SAN MARTIN

BULACAN

EDWARD SAMONTE

JUDGE DANILO MA

LEYTE STREET

MALOLOS REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MANILA POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with