^

Metro

Matapos langawin, mas murang pasahe sa Pasig River mungkahi

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos umanong “langawin” ang biyahe ng Pasig River Ferry boat, imumungkahi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mapababa ang pamasahe sa biyaheng mula Guadalupe, Makati Station hanggang Pinagbuhatan, Pasig City Station.

Nabatid na ang pamasahe sa ferry boat mula sa Guadalupe Station hanggang Pinagbuhatan Station ay nasa P30, kaya pinag-aaralan ni MMDA Chairman Francis Tolentino na babaan ang pamasahe nito.

Sinabi ni Tolentino na walang gaanong mana­nakay ang tumangkilik mula sa Guadalupe at Pinagbuhatan, subalit yung patungong Maynila ay marami naman aniyang sumakay na mga pasahero.

Inamin nito na mas maraming tumangkilik sa ferry boat system ng nakaraang dalawang linggo dahil libre ang pamasahe dito at may libre pang pandesal at kape.

Subalit hindi naman aniya pwedeng la­ging libre­ at kailangan aniyang­ magbayad dito kapag sumakay.

Ayon pa rin sa MMDA, sa darating na pagbubukas ng klase, pag-aaralan nilang magbigay ng diskwento ng pamasahe sa mga estudyante lalo na ang biyaheng patungong Sta. Mesa at Escolta, Maynila.

Noong Biyernes na unang araw nang pagpapatupad ng pasahe sa ferry boat system ay hindi ito gaanong tinangkilik ng mga mananakay dahil bukod sa mayroon ng bayad  ay namamahalan pa ang mga pasahero sa pamasahe dito.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

GUADALUPE

GUADALUPE STATION

MAKATI STATION

MAYNILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NOONG BIYERNES

PASIG CITY STATION

PASIG RIVER FERRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with