MANILA, Philippines - Umaabot sa P.5 milyon halaga ng ari-arian ang naabo makaraang tupukin ng apoy ang isang simbahan na “Christian Church†na ikinasugat ng isang Nigerian national sa Quezon City, kahapon ng umaga.
Ayon kay QC Fire Marshall F/Supt. Jesus FerÂnandez, sumiklab ang apoy dakong 6:37 ng umaga sa simbahan ng Team Ministries International na matatagpuan sa kanto ng Kamuning Road at T. Gener St., Kamuning, QC.
Nabatid sa arson investigator na faulty electrical wiring ang hinihinalang dahilan ng sunog na tumupok sa dalawang palapag na simbahan na nagmula sa ikalawang palapag at ganap na fire out dakong 7:10 ng umaga.
Nasugatan naman sa naturang sunog ang isang Nigerian na si Gerry Gideon, na mabilis na nakalabas sa nasunog na kuwarto nito.
Sinabi sa ulat na ang may-ari ng naturang gusali ay isang Bishop Ricardo Sio.