Rider salpok sa trak, utas
MANILA, Philippines - Nasawi ang isang rider matapos sumalpok ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang nakaparadang trailer truck kahapon ng umaga sa Pasay City.
Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Sammy MaÂranoc Castillo, 31, ng Radar St., Pasay City sanhi ng tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.
Lumalabas sa report na nakarating sa tanggapan ni Police Sr. Supt. Florencio Ortilla, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insiÂdente alas-5:30 ng umaga sa haÂrapan ng Mynmar Trading Parts, Armstong St., Merville Access Road ng naturang siyudad.
Nabatid na nakaparada ang isang trailer truck na may plakang ZMF-636 at trailer bed na may plaka namang PUJ-293 na ang driver ay si Adrian Panopio Hernandez.
Dahil sa walang warning device ang nakaparadang trailer truck hindi ito napansin ng biktima habang minamaÂneho naman nito ang kanyang motorsiklo na may plakang UL-3865. Huli na bago nakontrol ng biktima ang preno ng kanyang motorsiklo dahil sumalpok na ito sa nakaparadang trailer truck.
Sa lakas ng impact, tumiÂlapon ang biktima ng ilang metro dahilan upang magtamo ito ng matinding pinsala na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Inaalam ng pulisya kung illegal ang pagparada ng naturang trailer truck at posibleng kasuhan ang driver nito dahil wala man lamang umano itong warning device bago ito puÂmarada.
- Latest