Fashion designer ng celebrities dinukot?
MANILA, Philippines - Nagpasaklolo kahapon sa National Bureau of Investigation ang mga kaanak ng 49-anyos fashion designer ng ilang celebrity dahil sa pangambang dinukot ito kaugnay sa natatanggap na death threat mula umano nang may makabangga ito na ‘maimpluwensiyang tao’ sa Marikina City.
Batay sa reklamo ng kaÂpatid at ilang kaanak na ayaw nang pabanggit ng mga paÂngalan, may sampung araw nang nawawala ang designer na si Vekart Adrao, na huli nilang nakita noon pang Mayo 6, 2014 nang umalis umano na may dalang pera matapos bayaran ng maÂlaking halaga ng kliyente na nagpatahi ng damit.
Nang makatanggap umano ng death threat ay nagpasya na lamang si Adrao na isara ang kanyang shop.
Umaasa ang pamilya ni Adrao na makikita pa ito nang ligtas kaya dumulog sila sa NBI.
Kung sinuman umano ang nakakakilala at nakakita sa biktima ay ipagbigay-alam sa kanila sa pamamagitan ng telepono bilang 964-03-25.
Alam nila na may nakaÂkakilala sa biktima dahil kilala ito at marami itong kliyenteng celebrity tulad nina Snooky Serna, Sheryn Regis, Tony Gonzaga, Rachel Anne Go, Ricky Reyes, at iba pa.
- Latest