Midyear bonus ng mga empleado ng QC hall, matatanggap na
MANILA, Philippines - Tatanggap na ng kanilang mid-year bonus ang may mahigit 5,000 regular employees sa ilalim ng isang memorandum circular, inatasan ni Quezon City Herbert Bautista ang City budget, Accounting at Treasury departments na ipalabas na ang kaukulang pondo na kailangan para sa pagkakaloob ng naturang benepisyu sa mga empleado upang may magamit ang mga magulang sa pag-eenrol ng kanilang mga anak ngayong pasukan.
Bago at hanggang May 30 ang huling araw ng pagkakaloob ng mid year bonus.
Ang mid-year bonus ay kalahati ng halaga ng basic monthly salary ng mga emÂpleado at 50 percent ng P5,000 yearly cash gift. Ang kalahati ng benepisyu ay ipinagkakaloob tuwing Nobyembre ng taon.
Ang mga entitled sa benepisyu ay ang lahat ng elective at appointive regular plantilla city-paid personnel na nagtrabaho ng apat na buwan sa serbisyo sa QC government kasama na ang leave of absence with pay mula January 1 hanggang May 15, 2014.
Ang mga empleado na part-time basis ay bibigyan din ng benepisyo base sa kanilang sahod sa kasalukuyan at pro-rate na halaga ng cash gift basta’t nakaapat na buwan sa serbisyo.
Ang mga empleado naman na may naka-pending na kasong administratibo ay tatanggap din ng benepisyu basta’t sila ay hindi suspendido.
- Latest