Yaya salpok ng SUV, lasog
MANILA, Philippines - Patay ang isang 28-anyos na yaya nang masagasaan ito ng isang humaharurot na sports utility vehicle (SUV) habang naglalakad sa isang makipot na lansangan sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.
Binawain ng buhay habang ginagamot sa Pasay City GeÂneral Hospital (PCGH) ang bikÂtimang si Laila Opiana, naninirahan sa Cabrera St., ng naturang lungsod, nagtamo ito ng matinding pinsala sa ulo.
Nasa custody naman ng pulisya ang nakasagasa na si Hazel Mallari Chilton, 35, ng San Lorenzo Village, Makati City na nakatakda itong sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to property.
Sa imbestigasyon ni PO3 Margarito Agas, ng Pasay City Police Traffic Management Unit, naganap ang insidente sa Protacio St., malapit sa 74th St., ng naturang lungsod habang naglalakad si Opiana patungo sa isang tindahan upang bumili ng mineral water nang mabundol ito ng isang humaharurot na Toyota Fortuner ( NLQ-963) na minamaneho ni Chilton.
Dahil sa lakas ng pagkakabundol, nakaladkad pa ng ilang metro ang biktima hanggang sa maipit pa ang katawan nito sa konkretong poste ng gate ng isang bakanteng lote.
Dali-daling isinugod sa naturang pagamutan ang biktima, subalit habang ito ay nilaÂlapatan ng lunas ay nalagutan ito ng hininga at ang suspek namang si Chilton ay sumuko sa pulisya.
- Latest