MANILA, Philippines – Umabot sa ikatlong alarma ang sunog kagabi sa punong himpilan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Ayon kay ​Senior Inspector Vener Sevilla, Taguig Fire Statition chief arson investigator, aabot sa P2 milyong halaga ng mga ari-arian ang nasunog sa dalawang palapag na married non-officers quarters (MNOQ).
Nagsimula ang sunog pasado 7:00 ng gabi na kaagad kumalat at umabot sa ikatlong alarma.
Anim na kuwarto ang nasunog bago naapula ganap na 9:42 ng gabi.
Wala namang nasugatan o nasawi sa sunog, ayon pa kay Sevilla.
Patulyo pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pinagmulan ng sunog.