MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng shabu maÂtapos ang magkasunod na buy bust operation ng mga operatiba ng District Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group (DAID-SOTG) sa Quezon City.
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Chief Supt Richard A. Albano, ang mga suspek na sina Romeo Villanueva, 40, at Mohamad Hadji Azis, 27.
Sa report ni Police Senior Inspector Roberto Razon Jr., hepe ng QCPD-DAID-SOTG, si Villanueva ay naaresto sa kanyang tinutuluyan, matapos na pagbentahan nito ng shabu ang isang poseur buyer na nagkakahalaga ng P10,000, alas-12:30 ng madaling-araw.
Nauna nang nadakip ng tropa si Azis sa may parking lot sa Greenhills Shopping Center sa Ortigas Avenue, San Juan City matapos pagbentahan nito ng shabu ang nagpanggap na buyer na operatiba.
Narekober sa suspek ang marked money at isang plastic sachet ng di pa tiyak na halaga ng shabu.
Kapwa sasampahan ang mga suspek ng paglabag sa Section 5 Article 11 ng R.A 9165 o ang Dangerous Drugs Act of 2003.