Pugante balik-kalaboso

MANILA, Philippines - Isang inmate na tumakas mula sa Cavite Provincial Jail ang balik-kalaboso matapos itong madakip dahil naman sa kasong illegal  possession of deadly weapon kamakalawa sa Valenzuela City.

Kinilala ang suspek na si Michael Angelo De Jesus, 33,  pansamantalang nanunuluyan  sa Gen. T. De Leon ng naturang lungsod. Nakulong ito sa Cavite Provincial Jail dahil sa kasong theft, subalit noong Nobyembre 2013 ay nakatakas ito at nagtago sa Valenzuela City.

Ayon sa report na nakarating sa tanggapan ni Sr. Supt. Rhoderick Armamento, hepe ng Valenzuela City Police, na­dakip ng kanyang mga tauhan si De Jesus dahil sa pagdadala ng patalim.

Doon din nabatid buhat sa  mga tauhan ng Cavite Provincial Jail  na si De Jesus ay isang pugante sa kanilang piitan. Agad itong itinurn-over  sa mga jail officer ng naturang provincial jail.

 

Show comments