^

Metro

Maghahatid ng subpoena, itinumba

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang kawani ng Muntinlupa City Regional Trial Court  ang nasawi matapos itong tambangan  ng  hindi pa kilalang mga salarin na  riding in tandem habang maghahatid sana ng subpoena ang una kahapon ng umaga sa naturang siyudad.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Muntinlupa  ang biktimang si Lawrence Panganiban, empleyado ng Muntinlupa City RTC, Branch 256 sanhi ng tinamong ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Muntinlupa City Police, Station Investigation Branch (SIB), naganap ang pamamaslang alas-10:40 ng umaga sa kahabaan ng San Guillermo St., Purok 4, Brgy. Bayanan ng naturang lungsod habang magdadala sana ng subpoena ang biktima sa isang residente sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang isang motorsiklong hindi naplakahan lulan ang mga suspect. Walang sabi-sabi uma­nong pinaulanan ng bala ng baril ang biktima. Agad itong bumulagta habang mabilis namang tumakas ang mga suspect.

Sa ngayon ay inaalam na ng mga imbestigador  ang pagkakakilanlan ng taong pagdadalhan sana ng subpoena ng biktima na posibleng makapagbigay ng positibong lead sa insidente.

Isa sa mga anggulong tinitingnan nila ngayon ay ang trabaho nito bilang kawani ng korte habang nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa insidente.

vuukle comment

AYON

BAYANAN

LAWRENCE PANGANIBAN

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

MUNTINLUPA CITY REGIONAL TRIAL COURT

SAN GUILLERMO ST.

STATION INVESTIGATION BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with