MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang lalaki makaraang makuhanan ng kahun-kahong Valium (Diazepam) at Nalbuphine Hydrochloride, na itinuring na mapanganib na gamot ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation sa Las Piñas City.
Kinilala ni PDEA DiÂrector General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga suspek na sina Arman Anta, alyas Balot, 20, at Albasser Pandoga, 21; kapwa mga vendors mula sa Zamboanga, pero residente na sa Sucat, Parañaque City.
Nadakip ang mga suspek ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 4A (PDEA RO4A) sa pamumuno ni Director Adzhar Albani matapos na bentahan sila ng mga ito ng limang kulay golden brown na ampoules (2 ml kada isa) ng valium (diazepam) na nakalagay sa loob ng 10 kahon at tatlong kahon ng nalbuphine hydrochloride na kada isa ay naglalaman ng 10 ampoules (1 ml kada isa) malapit sa isang fast food chain sa Barangay Zapote, Las Piñas City, alas-11 ng gabi.
Ang Diazepam isang uri ng mapanganib na droga na kabilang sa 1971 United Nations Single Convention hingil sa psychotropic substances, habang ang nalbuphine hydrochloride ay dating ginagamit bilang pain medication.
Pero dahil sa kaÂtaÂngian nitong nakakahumaling tulad ng morphine, ibinilang ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang naturang droga na mapanganib noong 2011.
Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of DanÂgeÂrous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive DangeÂrous Drugs Act of 2002, ang inihahandang isasampa sa korte laban sa mga suspek.