Sunog at pagsabog sa Phil. Army dahil sa matinding init

MANILA, Philippines - Matinding init ang isa sa mga  anggulong tinututukan ngayon ng Taguig City Fire Department  hinggil sa na­ganap na pagsabog at sunog na ikinasugat ng 25 katao na naganap sa tanggapan ng Philippine Army sa Fort Bonifacio ng naturang lungsod noong Miyerkules ng umaga.

Nabatid na kinordonan ang naturang lugar para ma­iwasan ang posibleng muling pagsabog.

Patuloy ang malalimang imbestigasyon ng mga arson­ investigator ng Taguig City Fire Department hinggil sa insidente, at  isa nga sa mga posibleng anggulong tinitingnan ay ang matinding init ng panahon na naging sanhi ng pagsabog hanggang sa nasunog nga ang tanggapan  ng Philippine Army.

Alas-10:28 ng umaga nagkaroon ng pagsabog at sunog sa tanggapan ng Explosive Ordnance Division (EOD) Battalion Headquartes ng Philippine Army na matatagpuan sa Lawton Avenue, Fort Bonifacio ng na­turang lungsod.

Sa naturang insidente, umaabot na sa 32 katao ang malubhang nasugatan na karamihan ay mga sundalo at bumbero na nilalapatan ngayon ng lunas sa iba’t ibang pagamutan.

 

Show comments