Kelot tumalon sa riles ng MRT

MANILA, Philippines – Masuwerteng hindi nasagasaan ng tren ang isang 27-anyos na lalaki matapos tumalon sa riles ng Metro Rail Transit (MRT) na sakop ng lungsod ng Makati ngayong Miyerkules.

Kinilala ni Makati Police chief Senior Superintendent Manuel Lukban ang lalaking si Joseph Christian na residente ng San Pedro, Laguna.

Ayon sa pangunang imbestigasyon ay tumalon sa riles ng MRT Magallanes station si Christian ganap na 10:17 ng umaga.

Kaagad naman nakapagpreno ang parating na northbound na tren kaya hindi nasagasaan si Christian.

Pansamantalang naantala ang operasyon ng MRT dahil sa insidente.

Show comments