MANILA, Philippines - Patay sa bugbog ang isang snatcher matapos na kuyugin ng taumbayan na humabol sa kanya, kamaÂkalawa ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.
Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Alfredo Simbulan, 44, at residente ng St. Mary St., Asuncion, Tondo.
Batay sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro, ng Manila Police District Homicide Section naganap ang insidente dakong alas- 6 ng umaga sa may C.M. Recto Ave.
Hinablot umano ni Simbulan ang cellphone ng security guard na si Edwin Arogante na noo’y naglalakad sa Recto Avenue.
Humingi ng saklolo si Arogante na hinabol naman ng mga vendors na nasa lugar hanggang sa kuyugin ng may 20 katao.
Sinasabing si Simbulan ay kilabot na snatcher sa lugar na matagal nang gumagala sa Maynila.