MANILA, Philippines - Nalimas ang mahigit sa dalawang milyong halaga ng mga alahas at cash ng isang pawnshop matapos na pasukin ng mga kawatan sa pamamagitan ng paggiba sa dingding ng nasabing establisyimento sa lungsod Quezon.
Ang vault ng isang branch ng VY Domingo Pawnshop sa Barangay Greater Lagro ay winasak din ng mga magnaÂnakaw gamit ang acetylene.
Ang pagnanakaw ay naÂdiskubre alas-4:20 ng umaga sa nasabing establisiÂmento na matatagpuan sa Quirino Highway, 10 oras maÂtapos na magsara ito noong Sabado.
Ayon kay SPO1 Pascual Fabreag, ang natangay na halaga ng mga alahas ay nagkakahalaga ng P2,364,100 habang P22,460 naman ang halaga ng cash.
Bago ang insidente, alas-6 ng gabi nang isara ng branch manager na si ThereÂsita Garzon, 40 at kanyang mga kawani ang shop.
Gayunman, tumunog ang alarma alas-4:20 ng madaling araw sanhi para dumating ang mga awtoridad at security guard ng shop sa lugar.
Nang sumilip sa de-rolÂyong pintuan ay nakita nila ang ilang damit at sako ng bigas sa glass counter.
Kasama ang ilang kawani ng shop, binuksan ng mga awtoridad ang gusali at nadiskubre na ang vault nawasak at wala na ang mga nasabing items.
Bahagyang nabutas ang dingding ng shop dahil sa ginawang butas ng mga suspek kung saan sila dumaan saka sinira ang surveillance camera at lock ng pinto, bago tuluyang tumakas bitbit ang mga ninakaw.