^

Metro

Kasambahay nadenggoy ng ‘Dugo-dugo gang’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 3rd year college stu­dent na namamasukang ka­sambahay ang sinisisi ngayon ng kaniyang amo matapos ibigay sa ‘Dugo-dugo gang’ ang kaniyang vault na naglalaman ng mamahaling alahas at cash na umaabot sa kabuuang ha­lagang P400,000 kamakalawa ng hapon.

Ito’y matapos umanong  ma­paniwala na nakadisgrasya ang kaniyang amo.

Bunsod ng pormal na rek­lamong inihain ng biktimang si Hydee Ang Santos, 44, ng Legarda St., Sampaloc, Maynila, iniutos kahapon ni Manila Police District-Gene­ral Assignment Section chief, P C/Insp. Dennis Wagas, na magsagawa ng follow-up operation laban sa mga suspek na nagpakilalang isang abugado, isang babae at isang nagpanggap na siya si Hydee Ang Santos, na nagmando sa kasambahay na si April dela Cruz Musngi hinggil sa pinakuhang vault.

Sa imbestigasyon, habang wala sa bahay ang amo, nakatanggap umano ng tawag sa telepono ang kasambahay dakong alas-5:00 ng hapon nitong Huwebes (Mayo 1) at ayon sa kausap sa kabilang linya, kailangan niyang kunin sa silid ng amo ang vault, isilid sa bag at dalhin sa simbahan sa Navotas City.

Nagawa pa umanong ipa­­­kausap sa kasambahay ang amo at muling ipinasa ang tele­­pono sa isa pang nagpakila­lang babaeng abu­gado, na nagsabing nakadisgrasya nga ang amo at ka­ilangan ang malaking halaga para ipambayad sa nasaga­saan.

Sa salaysay ng kasambahay, nang ibigay niya ang bag na naglalaman ng vault sa isang babae sa napagkasunduang lugar, hinimok siya na maghintay at babalikan siya sa katabing  convenience store sa Navotas City.

Subalit bandang alas-7:00 nainip umano si Musngi kaya umuwi na lamang at nagulat siyang naroon ang amo at hindi totoo ang mga sinabi ng mga suspek.

Dahil sa pangyayari, hu­mingi ng tulong sa Barbosa Police Community Precinct­ (PCP) ang biktimang si Santos­ na umasiste sa paghahain ng reklamo sa MPD-GAS.

vuukle comment

AMO

ASSIGNMENT SECTION

BARBOSA POLICE COMMUNITY PRECINCT

CRUZ MUSNGI

DENNIS WAGAS

HYDEE ANG SANTOS

LEGARDA ST.

NAVOTAS CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with