MANILA, Philippines - Dead on arrival sa Justice Jose Abad Santos GeÂneral Hospital (JJASGH) ang 54-anyos na barangay kagawad nang pasukin ng nag-iisang gunman sa loob ng bahay at saka pagbabarilin sa dibdib habang mahimbing na naÂtutulog sa tabi ng anak sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang biktima na si Jesus Lita, Kagawad ng Barangay 286, Zone 26, District III, Binondo at residente ng Valderama St., Binondo, Manila. Nagtamo ito ng tatlong tama ng bala ng baril.
Mabilis na nakatakas sakay ng motorsiklo ang salarin na inilarawan sa taas na 5’4 hanggang 5’6, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay blue na jacket, puting jogging pants, naka-helmet at armado ng hinihinalang kaÂlibre .45 pistola.
Sa ulat ni PO3 Michael MaÂraggun ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang pasukin sa bahay at barilin ang biktima ng suspek.
Ayon sa salaysay ni Joshua Lita, 17, anak ng biktima, mahimbing na natutulog sila ng kanÂyang ama nang magising dahil sa magkakasunod na putok ng baril at nang tingnan ang ama ay duguan ang katawan habang nakahiga.
Humingi ng saklolo sa mga kapitbahay ang binatilyo kaya naisugod pa ang ama sa pagamutan suÂbalit hindi na umabot ng buhay.
Sa impormasyon, mabait umano ang biktima at walang alam na kaaway maliban sa pagiging masigasig umano nito sa kampanya laban sa iligal na droga sa lugar.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insiÂdente.