MANILA, Philippines - Nalansag ng pinagsanib na elemento ng International Police (Interpol) at Philippine National Police (PNP) ang noÂtoryus na cyber sextortion synÂdicates na nambibiktima sa internet sa iba’t-ibang panig ng mundo sa isinagawang serye ng operasyon sa bansa, ayon sa mga opisyal kahapon.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief Director General Alan PuriÂsima na 58 suspek ang kaÂnilang naaresto sa operasyon sa Metro Manila at iba pang mga siyudad.
Idinagdag pa nito na ang mga suspek ay nasakote sa isinagawang ‘Oplan Strike Back’ matapos na matukoy ng mga imbestigador ng Interpol, US Homeland Security Department at iba pang dayuhang operatiba ng pulisya ang online chats mula sa mga computer ng mga biktima na nagmumula sa Pilipinas.
Ang mga suspek, ayon sa mga opisyal ang hinihinalang nasa likod ng pagpapatiwakal ng isang teenager na si Daniel Perry, isang Scottish matapos itong ma-blackmail ng sindikato na ipakakalat ang hubo’t hubad na video sa internet.
“Daniel Perry was a young boy who engaged in web chat and little did he know that webchat will be recorded and threats made to broadcast it worldwide. This ultimately led him to taking his own life. Investigation is very supportive of the global investigation that has taken placeâ€, ayon naman kay Gary Cunningham ng ScotÂland Police.
Nabatid na ang modus operandi ng mga suspek ay ang alukin ng cybersex sa pamaÂmagitan ng paggamit ng mga guwapo at magagandang babae ang mga potensyal na biktiÂmang banyaga na lingid sa kaÂÂalaman ay iniÂreÂrekord ang video ng hubo’t-hubad at maÂlaÂlaswa nitong posisyon.
Ginagamit umano ng sinÂdiÂÂkato mula sa Pilipinas ang mga hubo’t-hubad na video ng kaniÂlang mga binibiktimang banyaga sa pamba-blackmail na ipakakalat sa internet kapag hindi nagbaÂyad ng multang $500 hanggang $2,000.
Sinabi naman ni PNP-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) Chief P/Sr. Supt. Gilbert Sosa, ang mga suspek ay nasakote mula nitong Abril 30 hanggang kamakalawa sa serye ng operasyon sa Bicol Region, Laguna, Bulacan, TaÂguig City na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng nasa 250 piraso ng electronic device na gamit ng mga ito sa illegal na aktibidades.
Kabilang pa sa multinational dragnet Oplan Strike Back ay mga operatiba mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission at Department of Justice, kinatawan mula sa Scotland Yard, Hong Kong at Singapore Police, US Homeland Security Investigation, Child Exploitation Online Protection at ng Australian FeÂderal Police.
Ang operasyon ay isinagawa matapos namang maÂalarma ang INTERPOL sa tumataas na bilang ng mga biktima ng sexÂtortion sa internet mula sa Hong Kong, Indonesia, SinÂgapore, Pilipinas, United Kingdom, United States kung saan karamihan sa mga biktima ay mula sa Australia, Korea at Malaysia.
Kabilang naman sa mga nasakote sa Taguig City at Laguna ay sina Vincent Regori Bravo, Archie Tolin alias “Gian,†at Jomar Palacio alyas “Park Ji Man,†na nasangkot sa pambibiktima ng mga dayuhan mula sa United Kingdom.
Samantalang mayorya naÂman sa mga nasakote ay mula sa Bicol Region na ayon kay Sosa ay isang organisadong grupo na ang front ay ang MoneyMaker Portal Web Solutions†sa Naga City, MoÂneymagnet Portal Web Solutions sa LibÂmanan, Money Builder Web Marketing Solutions sa Nabua, at Mocha Bytes Web Solutions sa Legazpi City.