Barangay exec sa Maynila binaril sa loob ng bahay
May 2, 2014 | 10:55am
MANILA, Philippines - Binaril ng hindi pa nakikilalang lalaki ang isang konsehal ng barangay sa Binondo, Maynila nitong madaling araw ng Biyernes.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jesus Lita na nakatira sa Valderrama Street, Barangay 286, Zone 26.
Namatay si Lita dahil sa dalawang tama ng bala ng baril.
Natutulog si Lita nang pasukin ng nag-iisang salarin ang kanyang bahay. Pagpasok sa kuwarto ng armadong lalaki, dalawang beses niya pinaputukan ang biktima.
Nakakita ng dalawang basyo ng bala ng kalibre .45 ang crime scene investigators ng pulisya sa loob ng bahay ng biktima.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang. Napag-alaman na si Lita ay aktibo sa kampanya laban sa droga sa kanilang barangay.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended