MANILA, Philippines - Umaabot sa P100,000 ang halaga ng iba’t ibang expired na produkto ang nasabat ng mga tauhan ng Manila City Hall-Manila Action and Special Assignment (MASA) kamaÂkalawa sa Sta. Cruz, Maynila.
Ayon kay Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr. hepe ng MASA, sinalakay ang tindahan sa panulukan ng Blumentritt at Sulu Sts. sa Sta. Cruz, Maynila matapos na makumpirma ang reklamo. Sinabi ni Irinco na marami na silang natatanggap na reklamo hinggil sa mga expired at bulok na produkto na ibinebenta sa publiko.
Wala namang naÂdakip sa mga nagtitinda na mabilis na nakatakas nang matunugan ang pagdating ng mga pulis. Kabilang na rito ang mga Maggic sarap, kape, creamer, mga de lata at mga tinatakal na palaman sa tinapay.
Paliwanag ni Irinco, ang mga nasabing proÂdukto ay mapaÂnganib sa kalusugan ng mga mamimili lalo pa’t walang kasiguraÂduhan na malinis ang pagkakagawa ng mga ito habang bulok na ang ibang produkto.
Idinagdag pa ni Irinco na ipasusuri ng Manila Health Department ang mga proÂdukto gayundin sa mga kompanyang gumaÂgawa nito ang mga naÂsabat na kalakal.