^

Metro

Expired na mga produkto nasabat

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa P100,000  ang halaga ng iba’t ibang expired na produkto ang nasabat ng mga tauhan ng Manila City Hall-Manila Action and Special Assignment (MASA) kama­kalawa sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr. hepe ng MASA, sinalakay ang   tindahan sa panulukan ng  Blumentritt at Sulu Sts. sa Sta. Cruz, Maynila  matapos na makumpirma ang  reklamo. Sinabi ni Irinco na marami na  silang  natatanggap na reklamo hinggil sa mga expired at bulok na produkto na ibinebenta sa publiko.

Wala namang na­dakip sa mga nagtitinda na mabilis na nakatakas nang matunugan ang pagdating ng mga pulis. Kabilang na rito ang  mga Maggic sarap, kape, creamer, mga de lata at mga tinatakal na palaman sa tinapay.

Paliwanag ni Irinco, ang mga nasabing pro­dukto ay mapa­nganib sa kalusugan ng mga  mamimili lalo pa’t walang kasigura­duhan na malinis ang pagkakagawa ng mga ito habang bulok na ang ibang produkto.

Idinagdag pa ni Irinco­ na ipasusuri ng Manila Health Department ang mga pro­dukto gayundin sa mga kompanyang guma­gawa nito ang mga na­sabat na kalakal.

 

vuukle comment

BERNABE IRINCO

CHIEF INSP

CRUZ

IRINCO

MANILA CITY HALL-MANILA ACTION AND SPECIAL ASSIGNMENT

MANILA HEALTH DEPARTMENT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with