MANILA, Philippines - Muling magpapatupad ng road re-blocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang bahagi ng Kamuning Road sa lungsod ng Quezon City na inaasahang magsasanhi na naman nang pagsisikip ng trapiko dito.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) muling magpapatupad ng road re-blocking ngayong weekend ang DPWH sa ilang portion ng Kamuning Road at Tomas Morato Avenue.
Nabatid sa MMDA, base sa schedule na isinumite sa kanila ng DPWH, mula alas-10:00 ng gabi ng BiÂyernes (Mayo 2, 2014) hanggang alas-5:00 ng umaga ng Lunes, Mayo 5 isasagawa ang re-blocking sa nabanggit na lugar.
Dahil dito, inaasahan muli ang pagsisikip ng daloy ng trapiko dahil sa isasara ang isang lane ng KamuÂning Road, gayundin ang ikalawang lane sa pagitan ng Sct. YbarÂdolaza at Tomas Morato Ave.
Nabatid sa MMDA, na ang magiging posibleng alternatibong mga ruta ay ang Timog AveÂnue at E. Rodriguez Avenue at nanawagan ang ahensiya na huwag dumaan sa lugar na apektado ng re-blocking upang hindi maabala ang mga ito.
Dahil sa proyekto maraming motorista ang nagrereklamo, subalit ayon sa MMDA konteng tiis aniya dahil maÂtapos lamang ang mga ito ay magiging laÂking ginhawa na sa motorista.