^

Metro

2 parak sibak sa ‘kotong’

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang miyembro ng Quezon City Police District ang sinibak sa kanilang puwesto matapos na makumpirma ang tangkang pangongotong sa isang magkasintahan nitong Martes ng umaga sa lungsod.

Ayon kay Chief Supt. Richard Albano, director ng QCPD, bukod sa kinakaharap na dismissal, inalisan na rin umano niya ng tsapa, service firearm at police IDs ang mga pulis na sina PO1 Ronald Que Englis, 39; at Roland Roman Mansimbang, nakatalaga sa QCPD Station 11.

Dagdag ni Albano, pansamantalang ilalagak ang dalawang pulis sa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Unit sa Camp Karingal habang gumugulong ang imbestigasyon sa kaso ng mga ito.

Bukod dito, pinagre-report din anya niya ang isa pang pulis na isina­sangkot dito, subalit hindi pa ito nagpapakita sa kanyang mother unit.

Sila Englis at Mansimbang ay naharap sa kasong robbery-extortion matapos na ireklamo ng isang magka­sintahan sa tanggapan ng QCPD.

Nag-ugat ang reklamo makaraang sitahin ng dalawang pulis ang magkasintahan habang sakay ng isang kotse at nakaparada sa kahabaan ng 8th St., Brgy. New Manila, ganap na alas 9 nitong Martes ng gabi.

Dito ay sinabihan ng mga pulis ang lalaking biktima na bumaba ng kanyang kotse at hiningi ang lisensya nito, bago tinakot na kakasuhan ng public scandal na may multang P20,000.

Ayon pa sa mga biktima, tinakot pa umano sila ng dalawang pulis na baka malaman ng media at malagay sila sa dyaryo kung hindi sila magbabayad ng nasabing halaga.

Ilang sandali pa, isang sasakyan ng pulis ang dumating sakay ang apat na police officers kung saan da­lawa sa mga ito ang pinilit ang lalaki na magwithdraw sa ATM para mapakawalan na sila.

Matapos ang ilang pag-uusap ay pumayag ang mga biktima na magpunta sila sa Gilmore Townhomes. Dito na nagpasya ang babae na tawagan si Chief Supt. Reuben Sindac, ang tagapagsalita ng Philippine National Police na kaibigan pala ng pamilya ng nobyo.

Nasa kalagitnaan pa ng negosasyon ay   dumating si Sindac at pamilya ng magkasintahan sa lugar, saka inutusan ng heneral ang mga pulis kasama sina Englis at Mansimbang na magreport sa QCPD-CIDU, bago tinawagan si Albano para sa aga­rang aksyon.

Sabi ni Albano, ka­ilangan niyang gawin ang paghihigpit upang hindi na tularan pa ang ganitong uri ng mga scalawag na police.

vuukle comment

ALBANO

AYON

CAMP KARINGAL

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DITO

GILMORE TOWNHOMES

PULIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with