MANILA, Philippines - Halos naaagnas na ang isang bagong silang na sanggol na lalaki nang matagpuang palutang-lutang sa Pasig River sa bahagi ng Sta. Ana Hospital, kamakalawa ng hapon.
Hindi pa umano tuluyang nagugupit ang pusod ng beybi na ibinalot sa lampin na hinihinalang itinapon lamang sa ilog matapos ipinanganak.
Sa ulat ni SPO1 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2:30 ng hapon nang mapansin ng isang Jonathan Muccio, ang nakalutang sa ilog na inakalang manika lamang sa likod ng Unit 32 Euro Villa Village, Sta Ana, Manila.
Naiipit umano sa dalawang malaking bato ang beybi. Ipinagbigay-alam niya ito sa kaibigang si Joseph Cris Domingo, director ng Sta Ana Civic Development Association na siyang nagreport sa pulisya.
Namamaga na ang kaÂtawan ng sanggol dahil sa matagal na pagkababad sa tubig. Ang sanggol ay kasaÂlukuyang nakalagak sa Arch Michael funeral parlor para sa safekeeping.