Piraso ng mga buto, nahukay

MANILA, Philippines - Tutukuyin pa ng Manila Police District (MPD) kung mga buto ng tao ang nahukay sa isang lumang gusali  sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni P/Supt Aldrine Gran, hepe  ng Manila Police District-station 3, dakong alas- 5:10 ng hapon nang mahukay ang pitong piraso ng buto sa loob ng isang lumang gusali sa Calero St., Quiapo, Maynila.

Ayon kay Judan Corpuz, 21, binata, naghuhukay sila para sa itatayong bagong septic tank sa bahay na pag-aari ng isang Walter Gaw, 55, negosyante nang madiskubre ang mga buto na pinaghihinalaang buto ng tao. Isasailalim sa pagsusuri ang mga buto para malaman kung  may krimen sa likod ng mga nakuhang buto.

Show comments