MANILA, Philippines - Dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang nasawi habang isa pa ang sugatan nang makasalpukan nila ang isang van sa Payatas Road, lungsod Quezon, kahapon ng umaga.
Sa ulat ni PO3 Jonathan Jimenez ng Quezon City Police Traffic Sector 5 nakilala ang mga nasawing biktima na sina Eduardo Ungca, at Ronnie Barrantes, 26, kapwa residente sa MonÂtalban Rizal.
Ang mga biktima ay sakay ng isang Suzuki motorÂcycle at si Ungca ang siyang nagmamaneho, ayon pa sa ulat.
Habang ang sugatan naman na si Remedios Bonggo, 37, ay sakay ng Nissan UV express (UVK-759). Siya ay agad na dinala sa FEU hospital para malapatan ng lunas.
Sa imbestigasyon ni Jimenez, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Litex Road, Group 13, Brgy. Payatas, ganap na alas-7:20 ng umaga.
Tinatahak umano ng UV express na minamaneho ni Albert Morines, 25, ang nasabing kalye galing sa Litex patungong Montalban Rizal nang makasalpukan nito ang motorsiklo ng mga biktima na pasalubong sa kanila.
Dahil sa malakas na impact kaya tumilapon mula sa kanilang motorsiklo ang mga biktima at magtamo ang mga ito ng matinding pinsala sa kanilang mga katawan na ikinasawi sa lugar.
Kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide with physical injury and damage to property laban kay Monines.