MANILA, Philippines – Makararanas ng matinding trapiko ang mga motorista sa Quezon Avenue sa Quezon City sa susunod na Biyernes dahil sa isa na namang evangelical mission ng Iglesia Ni Cristo.
Ayon sa traffic advisory ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, dadausin ang Lingap Pamamahayag ng INC sa May 9 sa Amoranto Sports Complex
Mula Mother Ignacia hanggang Scout Reyes, ang mga kalsada ay bukas lamang sa one-way traffic simula tanghali sa May 9.
"The traffic scheme shall remain in effect for the duration of the INC event, which will also coincide with the eve of the 128th birth anniversary of INC's founder and first executive minister Felix Manalo," sabi sa abiso.
Dahil dito, ang lokal na pamahalaan ay naghahanda na para sa trapiko at seguridad sa tulong ng Metropolitan Manila Development Authority, pulisya at mga barangay personnel upang mapanatili ang maayos ng daloy ng mga sasakyan at tao sa lugar.