MANILA, Philippines - Ang mga truckers ang responsable sa pagkakaroon ng economic sabotage.
Ito ang biÂnigÂyang-diin ni Manila Vice Mayor Isko Moreno kasabay ng pahayag na mananatili ang truck ban alinÂsunod na rin sa Truck Ban Ordinance.
Idinagdag pa nito na napagbigyan na ang lahat ng hiling ng mga truck operator kabilang na ang idinagdag na oras ng kanilang pagbiyahe mula alas-10 ng umaÂga hanggang alas-5 ng hapon.
Sinabi ni Moreno na hindi sila nataÂtakot sa mga banta ng mga truckers na truck holiday dahil ang pagkaÂlugi sa ekonomiya ay sanhi ng “truck strike†at hindi ng truck ban.
Sa katunayan umano, bumuti na ang sistema ng trapiko sa Maynila kung saan nakiisa na rin ang PhilipÂpine Ports Authorty (PPA) at Bureau of Customs.
Aniya, kailangan lamang ng konting sakriÂpisyo ng mga motorista at maging ng mga commuters lalo na’t ginagawa ang SKYWAY 3.