MANILA, Philippines — Nag-abiso ang pamahalaang lokal ng lungsod ng Taguig sa publiko na iwasan ang ilang kalsadang dadaanan ni United States President Barack Obama ngayong Martes.
Sinabi ng Taguig City government sa kanilang Twitter account na ilang kalsada sa kanilang lungsod ang isasara sa pagitan ng alas-8 umaga at alas-12 ng tanghali.
- Fort Bonifacio Gate 3 and the entire stretch of Lawton Avenue, both lanes
- Stretch of McKinley Parkway from 5th Ave. - 28th St. in BGC, both lanes
- Upper McKinley Road from C5 Service Rd to Lawton Ave., both lanes
- Entire stretch of Bayani Rd. from C5 to Lawton Ave., both lanes
- No right turn from McKinley Road to Lawton Ave
Sinabi pa ng lokal na pamahalaan na maaaring dumaan ng East Service Road patungong C5 Road ang mga motoristang manggagaling ng Pasong Tamo bago daanan ang McKinley.
Kinakailangan din dumaan sa Kalayaan elevated flyover patungong C5 bago kumanan sa Upper McKinley.
Ang mga manggagaling naman ng EDSA Ayala patungong BGC ay maaaring dumaan sa McKinley Road at kakanan sa 5th Ave., BGC.
Nakatakdang magbigay ng talumpati si Obama ganap na 10:15 sa Philippine Army Gym sa Fort Bonifacio.
Magbibigay pugay din si Obama sa Manila American Cemetery ganap na 11:05 ng umaga.