MANILA, Philippines - Libreng sakay ang ipagkakaloob ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 and 2 sa mga manggagawa ng pamahalaan at pribadong kompanya sa Huwebes, Mayo 1, 2014 bilang pakiÂkiisa sa ika-112 taon ng selebrasyon ng Araw ng Paggawa (Labor Day) sa bansa.
Ang mga manggagawa ay makakasakay ng libre sa LRT 1 at 2 mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi sa pamaÂmagitan ng pagpi-prisinta ng kanilang company ID sa mga security station personnel sa train station na kanilang sasakyan.
Nilinaw naman ni LRTA Administrator Honorito ChaÂneco na mananatili ang mahigpit na pagpapa-iral ng panuntunang “No Inspection, No Entry†sa lahat ng mga pasahero upang matiyak na magiging ligtas at matiwasay ang pagbibiyahe ng mga ito.
Ang nalalapit na pagdiriwang ng Araw ng Paggawa na may temang “Sa Sipag, Tiyaga at Talino, Buong Mundo Saludo sa Manggagawang Pilipino†ay bilang pagkilala sa lahat ng mga manggagawang Pilipino, hindi lamang ang mga nasa bansa kundi maÂging ang mga nasa ibayong-dagat.