^

Metro

LRT magbibigay ng libreng sakay sa Mayo 1

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Libreng sakay ang ipagkakaloob ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 and 2 sa mga manggagawa ng pamahalaan at pribadong kompanya  sa Huwebes, Mayo 1, 2014 bilang paki­kiisa sa ika-112 taon ng selebrasyon ng Araw ng Paggawa (Labor Day) sa bansa.

Ang mga manggagawa ay makakasakay ng libre sa  LRT 1 at 2 mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga­ at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi sa pama­magitan ng pagpi-prisinta ng  kanilang company ID sa mga security station personnel sa train station na kanilang sasakyan.

Nilinaw naman ni LRTA Administrator Honorito Cha­neco na mananatili ang mahigpit na pagpapa-iral ng  panuntunang “No  Inspection, No Entry” sa lahat ng mga pasahero upang matiyak na magiging ligtas at matiwasay ang pagbibiyahe ng mga ito.

Ang nalalapit na pagdiriwang  ng Araw ng  Paggawa na may temang “Sa Sipag, Tiyaga at Talino, Buong Mundo Saludo sa Manggagawang Pilipino” ay  bilang pagkilala sa lahat ng  mga manggagawang Pilipino, hindi lamang ang mga nasa bansa kundi ma­ging ang mga nasa ibayong-dagat.

 

ADMINISTRATOR HONORITO CHA

ARAW

BUONG MUNDO SALUDO

LABOR DAY

LIGHT RAIL TRANSIT

MANGGAGAWANG PILIPINO

NO ENTRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with