Dahil sa Obama visit unang araw ng operasyon ng Pasig River Boat System, naapektuhan
MANILA, Philippines - Dahil sa pagbisita sa bansa ni US President Barack Obama, naapektuhan na rin kahapon ang unang araw ng operasyon ng Pasig River Ferry Boat System ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Nabatid na sa halip na alas-6:00 ng umaga nagsimula na sana ang opeÂrasyon hanggang alas-7:00 ng gabi, ito’y ginawa na lamang na half day o hanggang alas-12:00 ng tanghali dahil na rin sa ipinatutupad na restrictions sa ilang lugar dulot nang pagdating sa bansa ng Pangulo ng Estados Unidos.
Ngayong araw ng Martes na lang sisimulan ang full operation ng ferry boat system at magiging libre muna ang sakay ng mga mananakay sa unang linggo ng operasyon.
Sa susunod na linggo ay may bayad na ito kung saan ipapatupad ang P25 hanggang P50 pamasahe sa bawat sasakay sa ferry boats.
Napag-alaman na tatlo ang ruta ng limang maglalayag na ferry boat at ito ay mula PinagbuÂhatan sa Pasig City paÂtungong Guadalupe, Makati City, mula Guadalupe paÂtungong Escolta, Manila at Guadalupe patungong Plaza Mexico via Polytechnic University of the Philippines (PUP) campus sa Sta. Mesa, Manila.
Ayon pa sa MMDA, kayang isakay ng ferry boat ang 25 hanggang 30 katao.
Nabatid na nang panahon ni dating MMDA Chairman Bayani Fernando, ang ferry boat system ay ipinatupad na ito at natigil lamang nang mag-take-over ang Aquino Administration.
Subalit sa ngayon muÂling binuhay ng MMDA sa layuning mabigyan ng alternatibong transporÂtasyon ang publiko bunga na rin ng inaasahang pagsikip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila sa sandaling magsabay-sabay na ang implementasyon ng mga infrastructure project sa Metro Manila.
Nabatid na katuwang ng MMDA sa naturang proyekto ang Department of Transportation and ComÂmunication (DOTC) at Pasig River RehabiliÂtation Commission (PRRC).
- Latest