MANILA, Philippines - Lasog ang isang consÂtruction worker matapos itong bumagsak mula sa 40th floor nang humampas dito ang e-beam ng crane sa ginagawang five-star hotel sa Taguig City kamaÂkalawa.
Dead-on-arrival sa St. Luke’s Medical Center sa Global City ng naturang siyudad ang biktimang si Roger Bombita, 32, ng Angeles, Pampanga.
Lumalabas sa pagsisiyasat ni SPO1 Rodelio Abenojar, ng Homicide Section, Taguig City Police, naÂganap ang insidente ala-1:30 ng hapon sa ginaÂgawang Shangri-La sa The Fort, na may 61 paÂlapag, na matatagpuan sa panulukan ng 30th at 3rd Sts., Global City, Fort Bonifacio ng naturang siyudad.
Naka-duty ang mga manggagawa ng Monolith Construction & Development Corporation at hinihintay nila ang isang steel bucket na naglalaman ng semento mula sa 50th floor nang bigla na lang bumigay ang e-beam ng crane at bumuhos ang laman ng bucket kaya nagtakbuhan ang mga manggagawa, subalit minalas na humampas kay Bombita na nasa 40th floor ang e-beam ng crane na naging sanhi ng kanyang pagkahulog.
Mabilis na dinala si Bombita ng kanyang mga kasamahan sa naturang pagamutan, subalit hindi na ito nakarating ng buhay.
Ayon sa pulisya, hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagkaÂroon ng aksidente sa naturang contruction site, mataÂtanÂdaan na noong NobÂyembre 24, 2013, tatlong construction workers ang sugatan matapos mabagsakan ang mga ito nang nag-colapse na overhead street protector spanning.
Inaalam pa ng pulisya ang pananagutan ng contractor ng naturang proÂyekto at iniimbestigahan nila ito upang mapatawan ng kaukulang kaso.