^

Metro

Obrero hulog mula ika-40 palapag, lasog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lasog ang isang cons­truction worker matapos itong bumagsak mula sa 40th floor nang humampas dito ang e-beam ng crane sa ginagawang five-star hotel sa Taguig City kama­kalawa.

Dead-on-arrival sa St. Luke’s Medical Center sa Global City ng naturang siyudad ang biktimang si Roger Bombita, 32, ng Angeles, Pampanga.

Lumalabas sa pagsisiyasat ni SPO1 Rodelio Abenojar, ng Homicide Section, Taguig City Police, na­ganap ang insidente ala-1:30 ng hapon sa gina­gawang  Shangri-La sa The Fort, na may 61 pa­lapag, na matatagpuan sa panulukan ng 30th at 3rd Sts., Global City, Fort Bonifacio ng naturang siyudad.

Naka-duty ang mga manggagawa ng Monolith Construction & Development Corporation at hinihintay nila ang isang steel bucket na naglalaman ng semento mula sa 50th floor nang bigla na lang bumigay ang e-beam ng crane at bumuhos ang laman ng bucket kaya nagtakbuhan ang mga manggagawa, subalit  minalas na humampas kay Bombita na nasa 40th floor ang e-beam ng crane na naging sanhi ng kanyang pagkahulog.

Mabilis na dinala si Bombita ng kanyang mga kasamahan sa naturang pagamutan, subalit hindi na ito nakarating ng buhay.

Ayon sa pulisya, hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagka­roon ng aksidente sa naturang contruction site, mata­tan­daan na noong Nob­yembre 24, 2013, tatlong construction workers ang sugatan matapos mabagsakan ang mga ito nang nag-colapse na  overhead street protector spanning.

Inaalam pa ng pulisya ang pananagutan ng contractor ng naturang pro­yekto at iniimbestigahan nila ito upang mapatawan ng kaukulang kaso.

 

vuukle comment

BOMBITA

DEVELOPMENT CORPORATION

FORT BONIFACIO

GLOBAL CITY

HOMICIDE SECTION

MEDICAL CENTER

MONOLITH CONSTRUCTION

RODELIO ABENOJAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with