MANILA, Philippines - Iginawad ng Board of Regents ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) kay Manila Vice Mayor Isko Moreno ang Doctorate Degree for Community Development bunsod na rin sa hindi matatawarang achievements at nagawa nito sa mga lungsod.
Hindi naman napigilan ni Moreno na maging emosyonal kung saan sinabi nito na tinatanggap niya ang conferment para sa mga napakaraming kabataan na hindi nabigyan ng oportunidad na mag-aral dahil sa kahirapan.
Kailangan lang aniya na nagsumikap at hindi kailangan na maging dayuhan para mabigyan ng parangal na tulad nito.
“This is not just about me or my achievements but rather giving the thousands of Manilenos out there a glimpse of hope. Na ang isang dating basurero at side car boy ay pwede palang maging bise alkalde ng Maynila and can actually make a difference in someone else’s life,†ani Moreno.
Dagdag pa ng bise alkalde na pangulo din ng Vice MaÂyors League of the Philippines na mas pinagtutuunan niya ng pansin ang makabubuti sa Maynila sa halip na pansinin ang mga bumabatikos sa kanya.
Ang conferment ni Moreno ay pinangunahan ni PLM President Artemio Toquero at sinaksihan din ng misis nitong si Dynee Ditan-Domagoso.