MANILA, Philippines - Isang lalaking hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuang nababalutan ng garbage bag at packaging tape ang ulo sa lungsod ng Quezon, kamakalawa.
Isang kapirasong papel ang nakita sa tabi ng biktima kung saan nakasulat ang kaÂtaÂgang “Holdaper ako, huwag n’yo akong tularanâ€.
Ayon kay PO2 George Caculba, imbestigador, walang nakuhang pagkakakilanlan sa biktima na inilarawan sa edad 50-55, 5’0 ang taas, nakasuot ng stripes na t-shirt, brown na pants at may tattoo na “BaÂhala Gang†sa kanang bahagi ng kanyang likod.
Natagpuan ang biktima sa may U.P. Arboretum St., Brgy. Old Capitol Site, sa lungsod dakong alas-9:45 ng gabi.
Agad naman itong ipinagbigay alam ng mga saksi sa mga awtoridad ang insidente para maimbestigahan.
Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) nakitaan sa kanyang noo ang biktima na maaring dulot ng pagkakaÂpulupot ng packing tape sa kanyang ulo.
Patuloy ang imbestigasÂyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.