MANILA, Philippines - Sinuspinde kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang opeÂrasyon ng dalawang towing company dahil sa pagiging abusado at sa kasong reckless imprudence resulting to damage to property.
Ayon kay MMDA Chairman Francis TolentinoÂ, sinuspinde nila ng tatlong buwan ang operasyon ng BNW Towing Services matapos itong ireklamo ng Jayross Lucky Seven Tours Bus Co, Inc.
Base sa rekord, hinatak ng naturang towing company ang isa nilang bus na may plakang UVF-927 sa harapan ng FranÂcisco Gold Condominium sa Kamias Road, Quezon City kamakailan.
Subalit nagresulta ito nang pagkasira ng kanilang bus dahilan upang magharap ng reklamo sa tanggapan ng MMDA ang natuÂrang bus company.
Samantala, ang Haplos Towing Services naman na ang tanggapan ay nasa Valenzuela City ay isang buwan ding sinuspinde ng MMDA ang kanilang operasÂyon.
Base naman ito sa reklamo ng isang Marissa Paz, kung saan kamakailan ay sapiÂlitan umanong hinatak ang kanÂyang Toyota Dyna truck na may plakang WPH-307 ng naÂbanggit na towing comÂpany na naÂging dahilan nang pagkasira nito.
Sa isinagawang pagdinig sa tanggapan ng MMDA hinggil sa naging reklamo ng mga complainant sa dalawang nabanggit na towing company at base sa isinumiteng ebiÂdensiya, napatunayan na ang mga ito ay may kapabayaan, kung kaya’t suspension sa kanilang operasyon ang naging parusa ng ahensiya.