^

Metro

2 towing company, sinuspinde ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinuspinde kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ope­rasyon ng  dalawang towing company dahil sa pagiging abusado at sa kasong reckless­ imprudence resulting to damage to property.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino­, sinuspinde nila ng tatlong buwan­ ang operasyon ng BNW Towing Services matapos itong ireklamo ng Jayross Lucky Seven Tours Bus Co, Inc.

Base sa rekord, hinatak ng naturang towing company ang isa nilang bus na may plakang UVF-927 sa harapan ng Fran­cisco Gold Condominium sa Kamias Road, Quezon City kamakailan.

Subalit nagresulta ito nang pagkasira ng kanilang bus dahilan upang magharap ng reklamo sa tanggapan ng MMDA ang natu­rang bus company.

Samantala, ang Haplos Towing Services naman na ang tanggapan ay nasa Valenzuela City ay isang buwan ding sinuspinde ng MMDA ang kanilang operas­yon.

Base naman ito sa reklamo ng isang Marissa­ Paz, kung saan kamakailan ay sapi­litan­ umanong hinatak ang kan­yang­  Toyota­ Dyna truck na may plakang  WPH-307 ng na­banggit na towing com­pany­ na na­ging dahilan nang pagkasira nito.

Sa isinagawang pagdinig sa tanggapan ng MMDA hinggil sa naging reklamo ng mga complainant sa dalawang nabanggit na towing company at base sa isinumiteng ebi­densiya, napatunayan na ang mga ito ay may kapabayaan, kung kaya’t suspension sa kanilang operasyon ang naging parusa ng ahensiya.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

GOLD CONDOMINIUM

HAPLOS TOWING SERVICES

JAYROSS LUCKY SEVEN TOURS BUS CO

KAMIAS ROAD

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY

SHY

TOWING SERVICES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with